Friday, April 14, 2006

BamBamBa-Bam. Ba-BamBamBa-Bam.

Hiding. I've been playing my brother's Sims(2) for two days now. And he doesn't know. He's out there (in the open shore) with the sand under his feet. envy. I wish I were in a beach. Beaches ar bitches.

Well anyhoo, I did manage to keep my Sims in a Platinum mood. Characters? Well, there's the family guy, ()Damien Perkins. Longish hair, minimal stubble, glasses, loves to stargaze, play the piano and paint. Ang ilaw ng tahanan ()Madison Perkins. Layered hair, pretty made-up face, black clothing, and loves nothing else but to WooHoo.(in public). ()Doux Perkins, formerly a razor-cut redhead, now a mohawked brunette. Has acne (eew). Loves to study but lacks energy so her grades are pretty rough. ()Stoi Perkins, formerly a kid, pretty wavy shoulderlength brunette, formerly wore a tight red shirt, a skirt and boots when she was a kid(i styled her after this really adorable kid adi baby was playing with one day in mcdo) but changed into a skimpy black dress when she became a teenager and loves to walk around the house in her swimsuit. Had her first kiss with Amar today. In the bathroom. And lastly (and least, i mean it) ()Dyl Perkins the effing toddler. I often use the moveobjects cheat so i can delete this character everytime i play. i hate kids.

I hope I pwn the b0x one day. And keep my studies like last year as well. Tae kasi yung first year ko eh. nakakawalanggana.

parang feel kong mag reminisce ng acads. wala lang. giggity caprice.

8:00-Biology. Wala talaga akong gana sa bio noong 1st quarter. sa totoo lang, 85 lang ako nun. naka 27/43 pa ako sa isang take home activity (hindi daw siya homework. what's the diff?). Feeling ko kasi ayaw akong tawagin ng teacher kasi lagi akong nagtataas ng kamay. equal footing-footing kasi tong si mam go. pero kahit anong mangyari, may favorite pa rin siya. noong 2nd quarter, ginanahan ako dahil may isa akong kakilala na mas mababa pa ang nakuha sa akin kahit na nag-aaral siya. Dito talaga ako nabuhayan kasi favorite ko talaga yung topic. eto na talaga yung matatawag na Biology. Cells, Cell division, Chromosomes. lahat ng may C sa simula. Kahit na wala akong ginagawa ay naghulog ang langit ng isang whapak na 66 na baliktad na sinulat sa card ko. oo naka 99 ako. Noong 3rd qtr, sobrang nafrustrate ako. kasi perfect ko lahat ng quizzes, projects, activities, etc, hindi ko lang naperpek yung long tests (57/60 at something). 98 ako nung 3rd qtr. Etong 4th, aba'y ewan nalang. Pero masaya na ako na naging highest ako sa batch sa isang long test (54/55). kahit nga yung best in science namin na-aamaze kung bakit alam ko yung gluteus maximus. hello xtine, parang common knowledge na yun ah. joke.

Algeb. Lintik ang algeb. Noong una, maganda. 88 ako sa 1st quarter. 2nd ako sa perio (45/50). tapos nung 3rd quarter nagkaron ako ng 79. naiyak ako nung music dahil napakalaking panira ito ng card. akala mo card na ni gabes eh.. 91, 90, 98 tapos biglang... 79?! amp.

Social. Mahina ang boses ng teacher namin. 1st quarter, 87 kami pareho ni tintin (katabi ko..hehehe). tapos nung 2nd sobrang hindi na ko nag-aaral. akala ko makaka 54 ako. laking gulat ko nang makita ko na nakasulat ang isang tumataginting na 87. parang kinopya nalang. naka 92 si tintin. tseksh. Noong 3rd, malakas na ang boses ng teacher namin. Exchange. Ang highest namin sa social non 89. mababa kasi talagang magbigay yung teacher (daw). Second ako with a whopping 86. syet. Sa sandaling iyon. (3 seconds lang ha) naging parehas kami ng average ni tintin.

English. dito tayo panalo. yung 1st quarter ko, okay lang. 88 yata ako nun. yung second, aysus, 84 yata highest namin, 82/83 lang ako. hindi ko kasi magets yang linsyakang gerund na yan. yung 3rd quarter, magaling yung ST namin, (ikee ngingiti yan) , laking UPIS pa kaya alam ang taste. naka 91 ako dito. for the first time nagkaroon ako ng isang line of 9 sa english sa HS. kay maam soro kasi puro otso otso. Tapos, nung 4th quarter, 49.17 ako over 50 sa card. kinompute na yung grades ko kung nagpasa ako ng recquirement, 95 ata ako. ata lang. kinongratulate pa ako ni mam. nice one.

Filipino. haaay. ang mahal kong fili. naka line of 9 rin ako sa iyo! okay lang naman ang grades ko dito, hindi bababa ng 80, (mga 88, 85) tapos naka 90 ako nung 3rd. yehey! ingat kayo mam poli. nakakamiss ang firing squad. speaking of firing squad, pwede na itong tawaging mile stone dahil noong 3rd qtr, ako lang ang hindi napatayo sa firing squad. ang saya. salamat sa iyo, Suskrisyon.

PA. ayus lang. tama. madumi na ang sapatos ko.

Com Sci. Masaya itech. naka 90 ako nung 1st quarter. tanga kasi ako, hindi ko nakitang may 2 points pa pala akong di nasasagutan sa perio. sayang din yun. Reset!! demn you.

Health. 'Yus lang naman. Kung hindi lang dahil sa problema sa barkada namin nagrerecite na ako ng sunod sunod. lagi kasing nakamata sa amin yung teacher. lagi nalang ang homegrown ang mali. hindi kasi sila nakikinig sa parehong panig dahil siguro pakiramdam nila pupunta sila sa langit kapag pinagtanggol nila ang mga baguhan. parang ano lang yan eh.."the customer is always right" pero badtrip nga lang kasi "no return, no exchange" kaya dapat may "lifetime guarantee" ang mga itech para pwedeng palitan kapag may faulty wiring. 92 at 93 ako dito sa sabjek na to. okey na rin. kasalanan mo ito babycake. :)

Geom. ayus ito. ito lang ang math na natipuhan ko. kahit na wala akong ginagawa naiintindihan ko naman kahit paano. 2nd ako sa klase namin nung 3rd qtr. naka 86 ako nun. mayabang si xtine. mayabang sya kaya ginawa ko syang ginseng root.


sana wag dumating ang kuya ko.. hehe.

No comments: