lara rang me up this afternoon (yes, while i was watching monk) to tell me that we'll have to meet at 9:00@mcdo. street dance thing. yehsss naman lara. kinakarir ang pagiging president. :D
tapos tuloy daw yung halloween par-tay sa bahay nina mikee (slash sleepover, allyaya!) kaya yun. ang costume ko nalang binabae. hehehehe. :))
kailangan na naming ulit magpakulay ng hair. nyehehe. tapos ayun.
back to the plans.
ang panggagago namin sa sarili namin, yung logo namin mukha ni ** *****. tapos pag tinanong kami kung bakit yun, ang isasagot namin, ** *****! hahaha. mga eksenang pang-inis. pero hindi nga. gagaguhin talaga namin. hello. eh kung ako ba naman yung nandun. talagang gago ang lalabas dun. nakow.
ang dami namang happening bukas. at taeng mabalbon, hindi ako makakapanood ng monk bukas. manonood nalang ako ng psycho. sana bigyan ako ng moolah. sta Lu.
shet. saging. saging na kambal. wah. sumpa. :
ps. nagbalik na pala ang ps2. yehey.
halloween. natatakot ako. which leads me to..
listahan ng mga nakakatakot na nakita ko sa high school:
1) Old Building
- PA room. oo yung wood working/metalcraft/mechanical drawing room ni sir asuncion. yung pintuan sa likod. palagi akong may nakikitang babaeng nakaupo dun sa taas ng pinto. di ko alam kung nakaupo siya o nakalutang, basta nandun sya sa taas ng pinto sa likod.
- Library. dati kasi, hinahanap namin yung librong nawawala ni alesa. trip kong lokohin si tintin kaya nagtago ako sa mga shelves. inaayos yung lib nun kasi may parang meeting sila, kaya walang tao. kahit librarian. nung nagtatago ako, hinawakan ko yung kabilang side nung isang shelf, may nahawakan akong malamig na parang damp na parang balat na ewan. basta malamig siya na malambot. parang ilong ng pusa na malaki o dila ng aso na nilagay sa ref. tapos hinawakan ko pa paulit-ulit kasi ayokong tingnan. nung natapos na sila tintin, nagpasama uli ako sa kanila para tingnan yung nahawakan ko. dun sa very same spot (eksakto talaga) puro hubad na libro lang yung nandun sa shelf na yun.(meaning crispy papel dapat yung mahahawakan ko). minsan may mga entities din na kumakaway sa circulation.
2) New Building
- 1stfloor girls' cr - palaging may batang babaeng nakadungaw sa labas ng bintana dun sa girls' cr sa first floor, yung banda sa canteen. dati kasi, natapunan ako ng potassium bromide sa kamay kaya nagpasama ako kay yanyan na maghugas, tapos nandun siya. nakita ko rin sya dati nung LC. tsaka pag magtutoothbrush. madalas siyang nandun pero hindi palagi. minsan nakikita ko rin siya sa 2nd floor girls' cr. akala ko napadaan lang na janitress, pero nasa 2nd floor nga pala kami. wah. mamatay na yung nagdesign ng cr na yun. bakit ba naman kasi magkamukha yung 1st floor at 2nd floor cr.!!
- 2ndfloor girls' cr - yung directly above the first girls' cr i mentioned. diba girls' cr yun, tapos may katabing faculty cr? yung pagitan nung dalawang pinto (bali corner yun) may babaeng nakaputi dun minsan. ewan kung lagi siyang nandun pero minsan ko lang sya makita. di ko nalang sinasabi kasi baka ma-freak out pa yung mga tao. pero sasabihin ko na ngayon.
- labas ng geom room namin. anong room nga ba yun? basta, yung inuupuan ng mga tao pag wala silang magawa sa corridor. kung ano mang tawag dun. yung may grills. oo. yun. dun sa ganun ng room ng 7earth pag after lunch tuwing tuesday at friday. minsan may batang lalaking nakasilip dun sa grills. nahuli ko yun nung nasa labas kami ng social room namin dati. (lagi naman akong nasa labas ng social room eh. hehe. may inaabangan. lindol.) siya kaya yung...
- bata sa social room. yung social room namin nung grade 7 (na algeb room na ngayon). meron dung batang lalaking naka khaki na basang-basa na giniginaw at naka-curl up lang siya dun sa harap ng classroom, malapit sa corner na may basurahan dati.
-social room. si 'mr. popo' na tumatabi sa mga natutulog na campers..yung mga flying white objects sa labas ng bintana.
tatandaan ko pa yung mga iba ko pang nakita. madami pa yan. meron pa sa multi. wahh. tsaka sa elem. the infamous BahamTheGrudge at Pianong tumutugtog Alone <- wahaha nawitness ko to. scary nonetheless.
by the way, i'm not making these things up. wag kayong maniwala kung ayaw niyo.
pero nakita ko ang nakita ko. - iya villania. :D
Monday, October 30, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment