maam rhea, miki and I met up at the tutuban mall steps yesterday to do our prom decors/invits/giveaways shopping.
nakakatuwa siya. ehehe. andaming tela.
first, we bought the crowns.
buti nalang matulungin yung bading. mura lang yung kinuha namin. for a night lang naman eh.
bibili sana kami ng scepter, kaya lang hindi namin alam yung spelling dati kaya what we jotted down in our list is TUBO. bonggang tubo.
maam rhea: ano yung tubo?
us: scepter. di namin alam yung spelling eh.
then, we had to buy the mask templates. binigay samin ng P35 each for 80 pieces.
nakakatuwa kasi dun sa bilihan ng mask may cowsuit. ahaha. sana may bearsuit. :)
on with the invitations.
bumili kami nung ribbons na connected. may mga blue na flowers kaso mejo "robot blue" ika nga yung kulay niya (bahala na kayong maginterpret kung ano yung robot blue) so nagtanong si mikee.
mikee: meron po ba kayong ibang klaseng blue?
manang: powder blue.
tapos, naghanap kami ng small white flowers. habang binubutingting ni miki yung mga open flowers, nakakita ako ng small buds na white.
me: ayun o, ang cute nung buds.
maam rhea: saan? BEST silicone nipples?
so yung buds na yung binili namin.
after nun, yung corsage materials naman. matapos ang paghahanap kay emmerson (na everson pala pero verson na lang ang nakalagay), at dun sa high tech na store na may hulog ng langit, nakabili kami ng silver cloth flowers, blue na ribbon, lace (tatlong rolyo), espesyal na pin, at very small pearls (ika nga ni mikee). bumili din si mikee ng pearlized beads na peach at white tapos ako naman, bumili ng dull green at dull gold-tan na beads. tsaka tatlong gold na rose. para sa mask.
hindi mawawala ang mga makukulit na texters.
donkie: nathan na nathan ka ah.
me: syempre, support.
syempre hindi mawawala ang color of the day.
mikee: meron po ba kayong ibang shade ng blue na ribbon?
ate: powder blue.
kumain muna kami ng mga 10:00. syempre, impluwensya ni mikee, daing na bangus na binalot. tapos pinalamon ako ni mam rhei ng veggie meat. aus lang.
me: ano yan?
mikee: egg yolk yata
me: mangga yan
mikee: ate ano po yan?
ate: suman.
me: e yung yellow?
ate: mangga.
nagliwaliw muna kami sandali para bumili ng aming mahiwagang pink costume. bali P210 ang total price. nakita ko rin yung soccer outfits. wahey!
ayun. pagdating namin sa IS, nag mcdo ang mga gaga, edi nagpabili kami ng sundaes.
mejo late na silang nakarating kasi pinuno pa daw yung jeep kaya yun mejo tunaw na yung desserts namin.
ginawa namin yung mga ribbons for the mini masks. tapos gumawa na rin kami ni mikee ng sample corsages. yey. :) model si angge.
natutuwa sila kasi parehas pa kami ni mikee ng suot.
No comments:
Post a Comment