Hehehe. So magsasalita si Ramon Bautista sa MC at LC(?)
natapos na rin pala namin yung bulletin board (also called billboard :p) na panay MC Hammer at patikim ng pokemon. pati yung decor sa taas ng door ng room ng Media Center. MC Hammer din na may dugtrios and pikachu. Kasi yun ang mga theme namin group 3 (jekjek, jhervie, lemon, jestoni and boyet the white lion): pagkain, pokemon, at si mc hammer.
kanina pati. nagdodrowing ako para sa wallnews (forum) sa baba ng billboard (oo, yung bulletin board), eh ako lang mag-isa nun. nilapitan ako nung lola ni Aya-baby tapos sinasabi nya... : "waw! fine arts! blabla ang ganda naman talaga oo grabe takte (pero wala atang takte) fine arts fine arts".. at si aya-gurang may atraso kay mang lorenz.
langya. nangungrublema pa ko sa lecheng beat na yan. ang hirap naman kasi ng beat ko eh. wahh.
ang beat na tinutukoy ko ay walang kinalaman sa elite beat agents.
isa pang masayang kaganapan ngayong araw.
TRADING GAME. sa econ. c/o maam calingasan.
bubunot yung leader ng isang resource card. bali andun yung profile ng tribe nyo. kung ilang food units ang mapoprodus ng isang farmer, anoano ang mga natural resources, ilan ang skilled workers, etc. basta ang goal ng game ay makipag trade tapos sa dulo, ang score ay depende sa dami ng palakol at pagkain (dahil wala namang kwenta kung madami kang products pero patay naman kayo).
yung napili ni christine ay yung tribong MALAKAS! bali 2 pagkain = 1 farmer. 5 farmers kami, bali 10 food units. 10 food units ang kailangan ng tribe namin. 3 ang aming bronze making specialists pero wala kaming tin at copper.
lamang na kagad kami sa pagkain. nung pinalibot namin si angge (trader), nalaman namin na yung isang grupo puro copper.. at kaunti lang ang bronze making specialists. so tinrade namin sa 3 copper yung 1 bronze maker. natatawa kami nung naririnig naming nagsisigawan yung mga ibang grupo kasi panay walang mga pagkain. nasamin kasi halos lahat :)
tapos, ayaw talaga namin palabasin yung pagkain namin. hanggang sa kailangan na nga namin ng tin dahil matatapos na yung game. ginawa namin, winagayway namin yung 10 food units namin na hinahanap hanap nila. basta ang saya kasi ang ingay!! hehe! andaming trades. 5 pagkain = 1 tin (barat, gabez barat ka), 1 is to 1.. ganun. bali sa dulo, ang tribong malakas ay may 8pagkain, 2copper, 1specialist, 4palakol. panalo dood. it's in the game play! haha! at nakipag alyansa pa kami sa tribo nina mak.. :) kasi talagang gusto naming matalo yung group 3.. :p bwakaw kasi sa tin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment