ay nako. ang apat na taon ng pag-aaral.
ang isang buwan ng review.
natapos na kanina, eksaktong alas-onse dies ng tanghali. alas siete kami nagsimula at pasado alas-dose nakalabas.
anong masasabi ko ngayon?
una. kung ika'y tiga-UPIS nag-aaral, manhid na manhid ka na siguro sa mga uri ng tanong na ibabato sa UPCAT.
ikalawa. walang kwenta ang review.
ikatlo. hindi mo kalaban ang oras.
ikaapat. hindi mo kalaban ang kaba.
ikalima. kalaban mo ang daandaang libong mga estudyanteng kumukuha rin ng pagsusulit, kalaban sa trapik. at jeep.
ikaanim. kalaban mo ang aircon.
ikapito. ang website ng UP ay debawly debawlyu debawlyu dot..
ikaanim. ang resulta ng apcat (oo, apcat) ay lalabas sa pebrero.
ikapito. nagdala ako ng anim na lapis pero dalawa lang ang nagamit ko. at trip ko lang talagang magpalit ng lapis nun, pero matalas pa rin.
bueno, pagdaan ko sa business ad, nandoon si bearbrand babby at hanny. at yung dalawang epal na conyong lalaking kilos Sims.
dapat eh bibilhan ko ang aking mahiwagang mama ng goma ng tennis na pang lamesa para a kanyang mahiwagang raketa ngunit nakakatamad. nagpaKuku Bar nalang ako (mapusyaw na asul) at nagpabutas muli ng tenga. bali nakakaadik ito. mas masakit ata yung pagpapabutas ko ngayon, pero sino bang makakapigil sakin kung nasasarapan ako sa sakit ng karayom at hikaw-surhikal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment