1 1/2 days kami sa rizal. andun, nakaharap ko ang lahat ng phobias ko:
steep inclinations, large and/or odd spiders, and buhay na isda.
umiyak ako once. bawat immersion nalang umiiyak ako, hehe.
1st day: maulan. nag bfast ako sa mcdo w/ papael, waiting for aya. dumating si aya with papa betu pero sinabi nyang di nalang sya magiimmerse. inintay kong magkaroon ng milkshake pero anak ng tokwa dalawang oras palang magwarm-up ang gatas (nga naman, kung tao nga nagwawarm up bago mag rigorous activity, gatas pa kaya.)
dapat iintayin ko si gioan pero nauna na siya sa HS, pumunta nalang kami dun w/ jollibee crap at hand.
sumakay kami sa mahiwagang patok na jeep, kung saan una namin narinig ang magiging theme song ng paglalakbay namin, ang You're the Inspiration ng Chicago. madaming ibang kalokohang kanta sa jip na ito.
after naming mag orient sa bahay ni Mrs. Barrameda (me: barra what? xx:barracuda.)
tumuloy na kami sa aming mga ina.
ang ina namin (gioan,mandz,lala and i) ay si nanay nympha with Mam Hermie, at kapitbahay namin sina papael, papavinch, at ang encyclopediadramatica na si Mr. Otero :)
dahil sa ulan, andaming nasayang na oras. nangapitbahay kami (sa balon, sa poso) at naglaro sa kwarto nina papavinch ng mahiwagang kontrabandong MikMik at ung nakakatakot na laruang nakakatawa, plus sodomy camwhoring via pulikat (take note: nakabold ang mga kalalakihan don, LARARECTION TAHM!!!). ikalawang beses din tumugtog ang You're the Inspiration ng Chicago.
tumawid kaming kawayan na bridge. umakyat ng mawnteyn, nag kontrabandong traysikel pababa.. at pagkauwi namin (at pagod kami nun ha) nag interbyu kami ng mga tao sa Tagpos. nanuod din kami ng uaap. pinaka di ko malilimutan sa aming mga nainterbyu ay si Kuya Temmy (alyas Cons) na isang Cons(truction worker) na berjin sa pag-ibig at mahilig kay Lorna Tolentino at Lynard Skynard.. atbp. andami nyang kwento.. nakakaaliw syang interbyuhin..
me: ano po bang paborito niyong kotse?
cons: ano.. yung.. LAMBORGHINI.
me: pangit yun mag porsche ka nalang..
cons: sige..
me: eh sa music ano naman po gusto nyo?
cons: yung.. yung.. my mama told me when i was yaaaang..
me: haha.. mga.. juan de la cruz band..
cons: oo
me: mga .. deep purple.. lynard skynard
cons: OO!
pael: freebird..
cons: teka pano mo nalaman ang lynard skynard??
me: pinanganak ako ng 70s
cons: oo...
nag magic sing kami.. at nung pinindot ni kebenre ung random... ikatlong beses, You're the Inspiration ng Chicago (8675)
nung gabi na, sleepy time kami sa salas.
nanuod muna kami ng Nuts (esensyal) at, FOR ONCE, ako ang HULING natulog sa grupo namin!!!!! salamat sa mga katext kong nakatira dalawang metro pahalang mula sa kinatutulugan ko.
2nd day:ako pinakaunang nagising FOR ONCE!! shinare ko rin ung kontrabando kong kornbip. (uso kontrabando basta pinagbabawalan). nangapitbahay kami at nagloko, tapos ay nagkaroon kami ng assessment. pagkatapos ay kailangan na namin umalis kaya binigay na namin ung token kay mamanymphs. sa jeep naiyak ako kasi dama ko yung isda sa paa ko. tas nahiwa ako sa pagitan ng front seat at ni gioan, HAHA :) uwian tahm, with papael, esem nort. tas may kiking aso si mina :D
ngayon, pagkauwi ko, nagpagupit ako ng hair. i love it :) short and straight. SHORT, and STRAIGHT :)
No comments:
Post a Comment