Sunday, July 10, 2005

HALIMAW!!!!

ehehehe.
i woke up at 5:00 am to edit the layout.
babasahin ko pa yung HRR. Chinua Achebe's Things Fall Apart.
ehehey.
Ni di ko pa nga nasisimulan yung Lolo Bird episode 2 eh.
yung front cover pa lang ang nagawa ko.
ang balak ko kase, yung human lolo bird ay binisita ng mga mulawin na nangahahawa ng birdflu.
anyway.tula ko.
7:00 ng umaga. nagising si Neneng sa tunog ng kampana.
'Maaga pa,' wari niya, nang buksan ang pinto, bumulaga..
isang mormon at isang tagala (*note: ayon kay gioan ang tagala ay tagalog translator.weh*)
Mormon: Gustow moh bahng mahging Mormown?
Neneng: ah..eh?
Mormon: Pweys, bibigyahn kitah ng Mormown Hormowns.
Neneg: huwaaat?
yun lamang ang kanyang naiwika habang nakangisi ang hindot na tagala.

yan ang paulit-ulit na tunog sa umaga.
akala ko nung bata pa ako, ang mormon ay isang uri ng gargoyle.
akala ko ako lang ang tangang nakaisip non.

hindi pala.

pati pala si mikee na kaibigan ko ay ganon din ang pananaw ukol sa mga mormon.

bakit kaya namin naisip na ang mga mormon ay mga gargoyle?
hmmm...
i wonder.

lolo bard!ito nga pala yung napakamahiwagang storyline ng Lolo Bird.May isang matandang lalaki na inaakalang namatay na kaya't siya'y kinremate. yun pala ay buhay pa ito. na cremate ito ng buhay kaya't nagi itong mutant: si lolo bird. Si nanding, ang anak ng matandang lalaki ay inaakalang mulawin si lolo bird. ang mga mulawin ang bumuga ng birdflu sa matandang lalaki kaya't inaakala ni Nanding na pinatay ng mga mulawin ang ama niya. Dahil dito, maghihiganti siya sa ama niya, dahil hindi nya alam na hindi ito isang mulawin. Sa una, pinabagsak nya ang halimaw na si Sabatista, na umihi sa sahig nina ebet, gamit ang kuko ni Bajula. Mag tatransform siya a'la sailor moon para mas lalong lumakas. tapos ay kakalabanin niya ang mabagsik na lobo, na inakala niyang isang wolf pero yun pala ay isang baloon na naglalaman ng maalingasaw na utot. Sa kanyang pag-iisip kung pano mapipigilan ang pagsabog ng lobo sa loob ng isang oras, naubusan na siya ng oras, kaya't nilagay niya sa bunganga niya ang lobo, at..pfrrt.pfft.pfttt. ang kaunting nakawalang utot ay sininghot nya gamit ang kanyang super inhale skills at....

ops ops opppps!

hanggang dun lang!

kung gusto mong malaman ang buong pangyayari, sumadya sa UP diliman upang bumili ng kopya ng nobelang bawal lawayan.

ehehe.

No comments: