Friday, July 27, 2007

ang mga pinakaiirog.

praktis lang ng paggawa mg yearbook. GUESS WHO. since you like the game a lot.

JOBANI. si jobani, gusto niya palaging una sa pila. sa katotohanan, may tyansang magpapalit sya ng apilyedo. ang ina nya ay magaling gumiling. lagi niyang kaakibat ang kanyang ate at pamangkin. lihim niyang alam ang lahat ng lyrics ng mga kanta ni avril lavigne. matigas na tao ngunit iyakin talaga.. :) mahilig manood ng Bollywood horror films. mahal ko ito. [magic symbols: tae, sampalok.]

GORBACHEV. siya ang opisyal host ng mga sleepovers dahil hindi sya pinapayagang mag night out. mahilig siyang magcanvass ng mura. lahat ng makita niyang binibili ko, kinokontra niya at sasabihing, "wag! tatlo singkwenta lang yan sa divi!". May kapitbahay silang wrestler. mahal ko din ito. kamuka ni chococat. [magic symbols: pusi]

FREDDIE A. si freddie ay commonly misinterpreted. siya ay mahilig magregalo ng mga bagay na mukhang nabebenta sa harajuku heaven. mahilig syang gumawa ng amigurumi at whatnots. magaling magispageti ang nanay niya.
[magic symbols: simpsons]

BOTE. nagbagong buhay na si bote. kung dati, siya ang smut library ng pilipinas, ngayon, siya na ang hiraman ng mga reference books. bukod sa pagbabagong iyon, lumobo din ang katawan niya. mamamatay siya kapag ipinagbawal ang coke at ketchup. hinahalikan ko to dati nung grade one twing flag ceremony.
[magic symbols: medyas, medyas uli]

BINHI NI LUCY. siya ay isang tahimik na batang palihim na gumagawa ng kalokohan. nasabihan siya ng prinsipal na salbahe matapos sabihing mayaman ang basketball team. [magic symbols: levi xD]

ITAY. si itay, kabagobago lang eh natalbugan pa lahat ng 08. mukha syang tatay, period. [magic symbols: alien xD]

BLUEY. kahit lalaki sya, mas seksi pa sya sa mga babaeng adolescent. mahilig syang mang harass ng kababaihan.

PAPPY. ang ina niya at ina ko ay may lihim na lupon. siya ang nagbibigay ng baon ko, at ako naman ang nagbibigay ng baon ng ina niya. hindi siya marunong tumingin ng mahalay pero marunong siyang manghalay. [magic symbols: f4 costume]

ICE. kabarkada namin ito nung grade 4 kasama ang hari na anak ng lawyer at judge. mahilig siyang humalik sa papel na may pangalan ng mga babae. napakakulit niya. mayaman din. sanhi ng ingay kapag itinabi sa kahit sino. [magic symbols: santa claus]

BABI. si babi ay pikon. pikon na pikon. iyakin din. ngunit pag kaibigan na nya ang nangaasar, di na natitinag. nagkaron sya ng nana sa anit nung bumagyo at nahigad din sya habang naliligo sa banyo. wtf. [magic symbols: gudmorning tawel]

No comments: