Wednesday, July 4, 2007

attorney chabaa and chabaa and kaching.

ay sauce.

nagising ako ng 5:00 para maglaro ng phoenix wright. pero hindi rin naman ako nauwi sa paglalaro ng phoenix wright. nag mario kart ako.

tapos nun, dumiretso na kong Vinzon's para magshooting.
sa bahay kami nila babby fonsy.

maiksi lang naman sya. nakakagago lang kasi lahat ng tao walang emosyon. pero yun nga yun eh. that's the point. walang emosyon. lalo na si attorney chabaa. at si el presidente. ayus yung set namin. painting ni balagtas, kumot at sofa.

AND THEN...
nagsama kami nina babby, marci, jarvic at sumakay ng ikot. may meeting kasi si baby. tapos si marci at jarvic, kukunin kay otero yung card reader (at kakamustahin si arlon) sa bahay nina gabes.

matapos dumaan sa ozoa residence...

dumiretso kami kina otero.
andun si lola.
andun si lolo.
at andun si ser basug. (na ama ni marvic)

sa kasamaang palad, nasa basketball court si kevs.
so pumunta kami dun.
nakabonding ko pa tuloy si marvic. at may mga nalman akong mga sikresikreto.
(WAHAHA. no secret no more. but i'll keep on pretending that i don't know. yet.)

matapos noon ay dapat kikitain namin si APRIL DAYNE. ngunit dahil napakakupad magbihis ng isang tao dyan, hindi na namin sila naabutan.
at dahil gutom na kami, kumain kami sa casaa. at nag pingpong sa ds. (at nadiskubre kong OK lang ang normal na earphones para sa DS lt. )

after nun ay tinanong ko si APRIL DAYNE kung nasan sila ngunit sikreto sya ng sikreto.
sa kasamaang palad muli, nalowbatt ako.

kaya ang ginawa ko, dahil wala namang load si kevin, pinasaksak ko muna yung sim ko sa cell nya.

tanong ako ng tanong, secret ng secret si APRIL DAYNE. tanong ng tanong si kevs, bakit ng bakit si APRIL DAYNE. hanggang sa mapagkasunduan naming pumunta sa SM upang bumili ng itlog at asukal. (labo).

kasama si marvic at otero, pumunta kami sa esem. bumili kami ng itlog ni otero. at asukal ni otero. at vanilla. mukhang tanga si marvic, nakaupo sa ilalim ng shopping cart.. at free taste ng free taste. at naglalakbay sya sa ilalim ng pangalang eric.

matapos noon ay gumala nalang kami. hanggang sa magtext si mame na nasa SM din sya.

sabi ko, sunduin nalang nya ko. kasi gumagala pa kami.

sabi nya,

"sige. intay moko sa furniture. kama."

sabi ko sa kasama ko,

"pumunta daw tayo sa kama xD ."

at nagpunta nga kami talaga sa kama. sa furniture area para hintayin si mame. at dahil mamimili pa sya ng kama, nagpamanicure muna ko. kaya dilaw ang kuko ko. ngaun.

at nasusuka na ko mula sa trip.
at nahihilo dahil hindi ko na recline ung upuan dahil basa pa yung nail polish.

Shyt.

No comments: