Wednesday, November 8, 2006

Practice na nakakapagod.

Lumang pic namin ni mikee. nagambala nanaman ako kanina. practice ng street dance 9-5. tae. pumunta naman ako. at eto, memorize ko nga yung sayaw pero ansakit naman ng paa. i promise i would never wear chucks while dancing. halftime, naglunch kami sa katips since Jeneil had to rob the bank. este magwiwithdraw pala siya. nag jalibi nalang kami kasi habambuhay na kaming mcdo peeps. nag Arroz Cubana nalang kami ni mikee at sundae na mango caramel. syempre parehas kami ng inorder pero hindi kami nagusap.:)
magbabayad sana sina mikee, tin at jen sa PNB, kaya yun, naiwan nalang ako kasi bayad nako. dumating naman sina alesa, andoy, gyta at lara, so kami naman ang nagsamasama. napa-ice cream ulit ako :).
nag-SM kami after kasi may imimeet si lara para makuha ang kanyang pinakamamahal na hyde video. on the way, nanggigil ako sa pink GBA at pink GBA SP na nakahilata sa display window. nanggigigil talaga ako. grararararr. :D
napabili pa tuloy ako ng the Exorcist. haha.
bumalik pa kaming IS kasi may practice pa after nun. nag-taxi nalang kami, courtesy of lara cartujano. :)

tapos, naalala ko lang yung joke na sinabi sakin ni mikee na jinoke ni kuya marjo (sp?) na mamamatay na daw siya sa tawa bago ba ideliver.

sina FVR, Cory at Erap.
Dumating ang mga terorista kaya nagtago sila sa mga sako sa farm (mindanao to.)
nakita ng mga terorista yung unang sako, nandun si Cory. sinipa nila yung sako.
sabi ni Cory: "meow!meow!"
sabi ng terorista : "wala, pusa lang ito."
nakita naman nila yung pangalawang sako. nandun si FVR. sinipa nila yung sako.
sabi ni FVR: "Arf!Arf!"
sabi ng mga terorista: "wala, aso lang yan"
nang nakita nila yung sako ni Erap, sinipa nila, walang nangyari.
sinipa ulit nila, walang tunog.
sinipa ulit nila, tapos nagsalita si Erap: "Ano ba?!! Patatas ako!"

wahaha. tae. marunong nakong sumayaw. wahaha. 2 minutes palang napapractice namin. ang hirap. wahehehe. :)

gagawin nga rin pala namin yung bull board ng JA bukas since natangay ni milenyo.

lalagyan ko ng pictures namin. walang magnanakaw ah.

No comments: